Umay

9 0 0
                                    


Sa mga bituin ipinitas,
Ngunit binitawan,
Doon sa lawak ng kalawakan,
Gabi-gabing hinahagkan,
Kung lulubog man o lilitaw,
Umaayaw din sa pagsikat ng araw,
Nakatayo sa talas,
Nagpapagpag kahit malas,
Pagkatapos maulanan,
Daming umalok,
Ngunit umiikot parin ang tatsulok,
Nabilog na ang sulok,
At doon na nakatulog,
Sa bingit ng liwanag,
Iba pa rin ang inilatag,
Tanging ahas ang kasama,
Magmula sa hapag,
Hanggang sa kama,
Nalulunod sa kaniyang unan,
Nakakatusok na sandalan,
Hindi nauutal,
Sapagkat nagtatagal,
Nasanay sa pagkaumay,
Umay sa pagkamalay,
Malayo ang hakbang,
Tuloy ang lakad,
Kahit na sa panaginip ay,
Nag-iisa lang.

IWhere stories live. Discover now