Buhay at Kamatayan

5 0 0
                                    


Bata pa lang dama ko na,
Ang takot sa pagitan ng buhay at kamatayan,
Mabigat sa dibdib, gustong huminga
Ang daming bumalot na katanungan,
Itim na tinta, pumasok lahat sa eskinita
Dumaloy sa dugo nakarating sa puso.

Nagsimulang manganak ang dilim sa kalooban,
Napatingin sa mata ng imaheng nakasabit sa kuwarto,
Unti-unting lumilipas ang liwanag,
Nakatulog na ng mahimbing,
Alam ko ng palaging may gising...

Kumakain ng buhay patungong kamatayan.

IWhere stories live. Discover now