Ebolusyong Tuloy-Tuloy

33 1 0
                                    


Ebolusyong binago ng kalendaryo,
Mga nakaraang tila nagtatago,
Hindi makita pagka't may panibago,
Ang nakasanayan ay tila nagtampo,
Paglipas ng oras, araw, panahon
Kay bilis ng dumating ang impormasyon,
Kay bilis na maging mga transportasyon,
Bagong teknolohiya'y naging solusyon,
Maidudulot man sa paraang tama,
Kaayusan ay sisigaw sa sinabi,
Maidudulot man iyan ng masama,
Kamalian ay dapat ng isantabi,
Ambag nito ay para sa hinaharap,
Mapadali maski ang mga pangarap,
Batikang tao sa larangang ito,
Mundo'y tuloy-tuloy na sa pagbabago.


IWhere stories live. Discover now