Oh Pag-ibig, Pag-ibig

43 1 0
                                    


Minsan isang araw,
Kuwentong lulubog, lilitaw
Nagmahal, iniwanan
Baliw itong nararamdaman,

Istoryang paulit-ulit,
Ilapit mo ang papel na ipinunit,
Bukas makalawa ay muli at muli ring ididigkit,
Kaya't heto na at ikaw ay pumikit,
Tulang sa puso mo ay sasabay at maiuukit,
Subalit 'pag mag-iiba ang ihip, mapapariwara
Panahon ay lumipas at niluluma na ang sistema,
Oras ay kumaripas at binago ang mga tema,

Kaya't sa tula kong ito,
Na parang isang magulong liriko,
Ikaw pa rin ang ginugusto,
Kung hindi papalarin ay 'wag ka nang dumaan,
Kahit trapik na ay lumiko ka nalang,
Magiging manhid dahil toka ng masaktan.

Kaya minsan isang araw,
Meron akong natatanaw,
Nakalimot sa pagka-uhaw,
Hayaan muna natin itong kuwentong lulubog lilitaw,
Kasi may bagong pahina ang ibubuklat,
Nang makita kasi kita, muli akong namulat
Doon sa katotohanan na ikaw muli ay totoo,
Nahulog na lang bigla ang puso ko,

Hindi alam ang gagawin,
Tulang nilikha pinipilit kalimutin,
At ikaw ay pilit aabutin,
At muli't muling magpapakatanga,
Lahat naman ay gagawin para sayo Sinta,

Kaya halika na
Oh Pag-ibig,Pag-ibig...

IWhere stories live. Discover now