Buhay

2 0 0
                                    


Dapat ba akong gising ng 24/7?
O kaya bente lang naman ang pantaya sa 6/58,
Aabangan na lang sa Sabado ang susunod na roleta,
At kung dodoblehin ang sandok ng kanin,
Ay maikakain sa kinabukasan,
Kasi sabi nila matik dapat praktikal,
Dahil mas on flick na ngayon ang inflation rate,
Kaysa totohanin ang pagiging passionate,
Kaso hindi para sa lahat ang sa iba,
Kanya-kanya raw pero mamatahan ka pa rin nila,
Mainit ang hangin,
Mainit din ang hinigaan,
Hindi na ako makaalis,
Dahil gusto ko ng matulog.

IWhere stories live. Discover now