Hidden Girl

7 0 0
                                    


Sabi, hindi magiging fairytale ang istorya kung walang magic.

Sabi, hindi magiging exciting kung walang happy ending.

Si Hidden Girl, masaya naman siya.

Sinusubukang mamuhay ng masaya.

Kaso ang dami niyang itinatago.

Ang buhay ay parang dyaryo lamang sakaniya.

Walang kulay at puro realidad.

Iisipin niya palang nakasimangot na agad.

"Kailan kaya?" Sabi niya.

"Ang mahika, ang buhay, ang tunay na saya? Kailan ko makikita?" Hiling niya sa ulan.

Nakatindig siya sa silungan noong gabi habang nag-aantay ng masasakyan pauwi.

Hawak-hawak lamang ang kaniyang bag, ang sarili at ang nagkukubling damdamin.

Saka siya nagpasyang sumakay na sa bus.

Ngunit pagkababa niya, ang sabi niya. "Teka parang may naiwan yata ako?
P-Pero hindi ko alam kung ano?"

Binalewala niya na lamang 'yon at patuloy na naglakad at hindi na lumingon pa.

Pero paulit-ulit lang din ang nangyayari. "Teka parang may naiwan yata ako? P-pero hindi ko alam kung ano?"

Banggit niya muli pagbaba ng bus na sinakyan niya sa magka-ibang araw.

Pakiramdam niya may itinatago siya pero hindi niya alam kung ano.

Tumagal iyon ng mahabang panahon.

Ang isipan niya ay namumuhay na sa yapak ng kasalukuyan.

Walang iniisip na problema ngunit may kulang pa rin tulad ng sinabi niya.

"Ano kaya iyon?" Tanong niya.

Minsan niya na ring naitanong sa sarili habang nagta-trabaho sa opisina.

Umuulan na muli kasabay ng katanungan sa kaniyang isipan na walang nagbago.

Ganoon at ganoon pa rin.

"Teka parang may naiwan ako? Pero hindi ko maalala kung ano iyon."

Naglakad siya.

Naglalakad siya hanggang sa napatingin siya sa kalangitan.

Hanggang sa isang gabi... tumigil ang kaniyang mga paa sa paglalakad.

"May naiwan talaga ako? Pero ano kaya 'yon?" Banggit niya.

Bumilis ang tibok ng puso niya.

Pakiramdam niya lumilipad siya, pero binalewala niya ito at nagpatuloy maglakad.

Kinabukasan, ganoon pa rin.

Umuulan at ang katanungan ay kasamang bumubuhos.

Habang nasa bus napatingin siya sa bintana.

May nakita siyang batang babae noong tumigil ang bus.

Nakapula at nakangiti sa kaniya.

Kumakaway nang patuloy sa kaniya hanggang sa umandar na muli ang bus.

Bumilis ang tibok ng puso niya na tila ay kilala niya ito.

Hanggang sa makarating ulit siya sa kaniyang pupuntahan.

Pagbaba niya, naalala lang ang 'yong batang nakapula at nakangiting kumakaway sa kaniya.

Bago humakbang pa ang isang paa ay tumalikod na muli siya at sumakay ng panibagong bus pabalik ng nagmamadali.

"May naiwan ako! May naiwan ako! Teka manong!" Sigaw niya sa driver.

Nang makasakay na siya, umupo siyang may luha sa pisngi.

Sa wakas, naalala at nahanap niya na.

Ang batang nakapula na ngumingiting kumakaway sa kaniya?

Siya 'yon noong bata siya.

Naalala niya na...

"Gusto ko po paglaki ko ay maging writer! Maging fairytale writer!"
Masayang banggit ng bata sa harapan ng klase na itinanong ng guro nila kung anong pangarap nila paglaki.

"Gusto ko po maging writer po, fairytale writer! Gusto ko po gumawa ng mga happy endings!" Banggit niya muli sa magkaibang taon.

Patuloy na umiiyak si Hidden Girl.

Akalain mo si Hidden Girl nahanap niya na 'yong nakakalimutan niya tuwing bababa ng bus.

Si Hidden Girl ay may itinatago sa kaniyang puso ngunit ayaw niyang ilabas dahil umaagos siya batay sa mundo.

Nang maalala niya ito, ngumiti siya ng walang humpay.

"Bakit hindi mo subukan? Hindi pa huli ang lahat." Sabi ng bata sa kaniya na katabi niya na sa bus.

Nag-fistbomb sila nung batang katabi niya.

Pagbaba niya ng bus, ngumiti siya.

Ang ganda ng langit kaya kinuhanan niya ito ng litrato.

Umaga...

Sumakay siya ng bus na bitbit ang mga gamit niya galing sa trabaho.

"Ano, may nakalimutan ka pa?" Tanong ng driver na sinakyan niya ng bus kagabi.

Tumigil siya sandali, masayang ngumiti at sinabi na "Wala na po."

Patuloy siyang naglakad na dala ang pangarap.

Ang tanong na lagi niyang dala ay nabitawan na.

Ang tingin niya na sa mundo ay parang isang fairytale.

May magic na bubulaga sa iyo at mamangha ka na lang bigla.

May mga magic na kahit ikaw lang ang naniniwala.

May mga magic na kahit sa buhay kapag ginawa mo ang nais ng puso...

Mangyayari at mangyayari.

Walang imposible.

Wala ng imposible.

At ang happy ending ay ikaw at ikaw lang din ang makakagawa.

Si Hidden Girl?

Masaya nang isinusulat ang pangarap niya.

Pero may tanong ako, bakit kapag tumatanda na tayo hindi na tinatanong kung anong pangarap natin?

Siya si Hidden Girl, hindi Amnesia Girl o Lost Girl...  "Hidden Girl"

Nagtatago lang siya, sabi nga sa isang kanta ni Greyson Chance "You'll never enjoy your life living inside the box..."

Nagtatago lang siya at hindi makalabas sa agos ng mundo.

Tanungin mo sarili mo.
Anong pangarap mo? :)

Inspired by the K-series "She was Pretty" Hi, Kim Hyejin! Ji Sungjoon! anyways~ congrats to the both of you!

IWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu