Kislap

33 1 0
                                    


Gaano pa kalayo ang lalakbayin,
Para makamit ang bituin?
Bituin na nagsilbing liwanag sa madilim na gabi,
Halika at umakbay sa aking tabi,
Sa tabi ko ay isang imahinasyong hindi nakulayan,
Paano ba makukulayan?
Kung hindi kita masilayan?
Paano ba makakamtan?
Kung ang tadhana ay 'di nagpaparamdam?
Sa tagal ng pag-ikot ng orasan tumatakbo ang aking isipan,
Ang kalendaryo'y nakatigil pinipilit na lang ihipan,
Pagninilay-nilay dahil sa paghihintay
Sa paghihintay kahit sakit na ay akay-akay,
Akay-akay ang pusong nakalatay,
Nakalatay dahil para ng walang buhay,
Aking buhay na ikaw ang nagbigay kulay,
Pero hindi mo na alam ang pagkislap nitong taglay.

IWhere stories live. Discover now