Para kay Tadhana

28 0 0
                                    


Minsan isinisisi natin sa tadhana kung bakit nasira ang mga relasyong nabuo kahit alam na natin ang dahilan kung bakit nasaktan tayo.

Mahirap magpanggap na siya mismo ang may sala ng lahat, bakit ipinagtagpo kung hindi naman talaga sila 'yong nakatakda para sa atin.

Dahil kahit alam natin sa sarili natin na tayo ang dahilan pilit pa rin nating ipinupunto si tadhana.

Masakit pero kasi iyon ang pag-ibig kasama na ang sakit at wala na tayong takas, wala na tayong magagawa para baguhin 'yon.

Siguro mali lang tayo sa pagkakakilala sa kahulugan ni tadhana. Malay natin siya naman talaga ang tumatama sa linya ng storya.

IWhere stories live. Discover now