Sabi mo, Sabi ko

35 0 0
                                    


Sabi mo,
'Di ka na maliligaw dahil ako na ang dahilan ng iyong paglalayag sa mundong walang alam kung hindi ang makipaglaro.

Sabi mo,
Huwag ako makalimot, huwag magsisisi sa pagmamahal na inalay ko sa mundo.

Kaya siguro heto, pinipilit.

Pinipilit kong hindi magsisi na hindi ka sinundo nung inamin ko na sa mundong
mahal na kita.

Mahal na kita...
Mahal pala kita.

Sabi ko,
'Di na mauulit ang pagiging ligaw ko, nawala at naglaho bigla noong sa atin pa umiikot ang mundo,

Sabi ko,
Masaya ka naman kahit na 'di na ako ang kapiling mo, may pagsisisi pa bang manatili kung iba na ang itinuturing mong mundo?

Kaya siguro heto, pinipilit.

Pinipilit kong hindi magsisi na hindi ka sinundo nung inamin ko sa mundong mahal na kita,

Mahal na kita.
Mahal pala kita...

Pasensya ka na,
Tangang naduwag ako,
Pasensya ka na,
Akala ko maglalaho,

Pero t*ngin*
Nawala ka na pala.

ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon