Makatang Ligaw

26 0 0
                                    


Nandito muli ako...

Sa apat na sulok ng kahon,
Sinag ng ilaw sa kisame ay dumaan,
Unti-unti ito'y naglalaho na naman.

Kakatapos lang din magsulat,
Gamit ang tintang malapit ng maubos,
Sumisilip ang buwan sa bintana ng kawalan.

O bituin kong aking hiniling pilit paring susungkitin,

Kakamtin nang paulit-ulit hanggang sa ikaw ay mapasa akin,
Nagsisimula na ring malunod sa yaring kama ni hindi na kaya pang umahon.

Mabigat nitong kalooban ay unti-unti ng bumibigay ang sandalan,
Sa pagkakataong ikaw at ang
Panginoon lamang ang nakakaririnig ng
hikbi sa gilid ng unan.

Na maitago ang mukhang wala nang maiihaharap muli sa bagong umaga,
Sinubukan ng katatagan, sinubukan ng kahinaan,

Mahirap makamtan,

Madapa man itutuloy parin ang sinimulan,
Patuloy ilalaban ang...

Simula sa Hangganan.

IWhere stories live. Discover now