Isandaang Porsyento

3 0 0
                                    


Doon sa lima,
Ako'y nanumbalik kung saan ba,
Nangarap at nag-umpisa,
Maling oras sumang-ayon,
Salamat pa rin sa panahon,
Kasangga ang ating Diyos,
Na hinding-hindi mauubos.

Sa daming nalama't natutunan,
Iba pa rin nga talaga,
Ang pangarap na nakapangtutulala,
Namulat ang mga mata at ngingiti,
Bibigkas nang hindi makapaniwala,
Natapos lang ang siyamnapung porsyento,
Handa na ang entablado,
Kahit pa maging delikado,
Hindi na liliko ako'y dederecho,
Tapak na at tumalon kasama ng mundo,
Kung yuyuko man ay iiyak lang,
Daming hadlang,
Na binalewala ng—

Sigurado na ang puso
Ito ang aking patungo!

Itong mga pagsubok na sumasagasa uh!
'Di ko na kinailangan ng bangka,
Tutal naman kayang lumusong sa baha na!
Ako'y hipan man ng ipo-ipo,
'di man Sandaang porsyento, ako'y aahon uh!

┌⁠(⁠・⁠。⁠・⁠)⁠┘⁠♪ Go Up!

IDonde viven las historias. Descúbrelo ahora