Hardin ng Kalawakan sa Kawalan

39 0 0
                                    


Nag-iisang namimitas sa hardin ng kalawakan,
Pareho nating dama,
Kahit may kaba,
Hindi naging patas ang laban,
Binuo ko ang nakaraan,
At lumingon ka,
Ngunit bumalik din sa pinanggalingan.

Masaya naman tayong sumasayaw noon sa kalawakan,
Hawak pa nga ang pinagdaanan,
Na sabi ay kakalimutan.

Kinalimutan mo lang din,
Doon sa may hardin,
Akala ko ay akin ang sinungkit mong bituin.

Lumipas ang gabi hindi na kita nakita pang muli,
Tuwing sasapit ang gabi,
May pagsisisi bang dapat
manatili?

Ginamit mo ang panyong alay ko,
Inalay ko habang ikaw ay nakayuko,
Ngunit dinala nang walang paalam,
Lumisan at hindi ko alam.

Tatlong rosas ang inalay,
Ating alaalang dalawa ay tila paglalakbay,
Alalahanin ko na lamang ang mga tono,
Na nagmula sa iyong puso,
Naging ritmo,
Sa sayaw nating ito.

Unti-unti na lang huminto,
Sa may pinto,
Paghihiwalay,
Ating mga kamay,
Alam kong ako ay matagal malulumbay
Ngunit sumampit ka bago lumisan sa aking balikat,
At magtapat...

"Ikaw nalang sana ang minahal ko."

IWhere stories live. Discover now