S

5 0 0
                                    


Kay sarap pagmasdan
ng iyong mga mata,
ng iyong ngiti,
ng iyong tawa,

Doon sa kaharian ikaw ay prinsipe na naging hari,
Nahulog sa'yo at hindi na mawari,
Ako'y nabighani at nadulas sa bahaghari,
Araw at gabing nag-aatubili para masilip ka sandali,

Isipan man ng iba ang kakaiba sa prinsipe,
Ayos lang hindi naman siya umaarte,
Kahit isa lang akong hamak na dukha,
Mananatili akong nakatitig sa iyong mukha,
Ikaw ay aalalayan at gagawan pa ng likha,
Tulad sa ipininta na kung saan ay namimitas ka ng bulaklak sa may gilid ng lawa,
Pagkatapos ay iniwan ko sa inyong malawak na bakuran,
Lumipas ang gabi ay hindi mo iyon nakita, nakuha
Nalumbay man ngunit hindi nawalan ng pag-asa.

Isang hapon...
Ako'y napadaan muli at nakita kang umiiyak,
Gusto kitang puntahan at alalayan ng panyo at bulaklak,
Ngunit hindi na tumuloy at tumalikod na,
Ramdam ko na kailangan mo ang iyong pag-iisa,
Walang may alam kung ano ang iyong iniinda,
Walang may alam kung bakit nalulungkot sa likod ng iyong saya.

Sa sikat ng buwan ako ay napasulyap,
Kasabay ng musikang inaalay mo ngayong gabi tila hinehele sa mga ulap,
Ang bituin ay nagniningning,
Kitang kita kahit na madilim,
Luhang pumapatak humihiling ng taimtim.

Isang araw,
Natagpuan ko ang pintuan ng lakas ng loob,
Wala ng pakialam ang bangka man ay tumaob,
Damdaming nag-aapoy, umuusok
Ako ay tumuloy at pumasok,
Kinuha ko ang aking ginuhit, ipininta
Iniabot ko ng walang pagkabahala.

Tumingin ka at tumitig sa akin,
Tumitig nang sandali pa at ngumiti na,
Hindi ko lubos akalaing alam ang ekstensya sa kaharian ng maharlika,
Makita kang masaya ay magiging sapat na.

Ang tunay na pagkatao mo ay dapat nilang makita,
Ang itinatago ay pakawalan na,
Sabay nating awitan ang langit nang magkasama,
Malungkot man o masaya.

IWhere stories live. Discover now