S II

2 0 0
                                    


Narinig mo na ba?
Ang ingay ng ibon,
Na tumatalon,
Kasi biglang umambon?
Kung ang sagot mo ay oo...

Edi mahusay!
At kung hindi,
Mahusay ka parin,
Ganoon ka,
Sa lahat ng bagay.

Nakita mo na ba?
Ang kulay ng araw,
Op! 'Wag ka tumingin,
Dito ka lang,
Masakit sa mata,
Wag pilitin ang bagay,
Kung masakit na makita.

Teka naaamoy mo ba?
'Yung kandila,
Isinindi sa puntod,
Ng yumao kong pag-ibig,
Kung hindi,
Ibig sabihin buhay pa,
Tumitibok pa sa'yo.

Ramdam mo ba?
Ang alin na naman?
Ang lamig ng hangin
Kung oo,
Mag-jacket ka,
Wala ako diyan para yakapin ka,
Kung hindi,
Ibig sabihin mainit, maaraw
Dala ka payong ha?
Baka magka sun burn ka,
At kung tama lang,
Mas tama ka para sa'kin.

Yieeeeeeeeee~

At Huli, Hanggang Sa
Pero 'di na,
Magwawakas pa,
Napakinggan mo na ba?
Kanta ng Ben&Ben?
'Di ka sayang?
'Di kailangang manghinayang?
Sarili ay mahalaga?
Kahit anong tingin nila?
Tanggap kita.

Ang 'di ko lang tanggap ay,
Ikaw ay pangarap lang,
Na malabong maharap,
Na malabong malasap,
'Di tulad ng Chickenjoy
Chicken lang walang joy,
Na 'di tulad ng Chowking,
Chow lang walang king
King sa buhay ko.

Alam mo?
Malayang tugmaan ito e,
Pero gusto kitang ikulong,
At 'di na pakawalan pa,
Pero asa sayo 'yong susi,
Ikaw kasi lagi ang susi,
Sa puso kong nalulumbay,
So makakawala ka rin?
So the question is...
What's the point?

Akala mo ba,
Ako ay tao lang?
Alien ako,
Oo marunong lang ako magtagalog,
Galing ako sa planetang 3.14,
Sinusundo na kita,
Sumama kana please,
Di naman kita pie yakin e,
w46 U M464L4L4 h4.

At sana magets mo,
At kung hindi,
Bahala ka na,
Hala ka bahala ka diyan,
Walang clue,
At kung gets mo,
Bakit?
Charot.

Ahmm...

Gusto ko mag-gym,
Pampalakas,
Para matibay tayo.

Gusto ko rin ng skyflakes
Pampalakas,
Pamapalakas ng loob.

Pero ang pinakagusto ko,

Ikaw :)

Pampagana ng gising ko sa umaga,
Pampagana matulog sa gabi,
Pampagana kumain,
Pamapagana maligo,
Pampagana mangarap.

Welcome sa Pampanga!

Ang balik, gusto ba ako?
Okay lang kung hindi,
Gusto kita, kasi gusto kita,
At kung oo,
Asa.

Hahahahahah

P/S I'm not drunk here. HAHAHAHAHAHHAHAHA

IWhere stories live. Discover now