Alamat

26 0 0
                                    


Noong unang panahon,
Nagtatago ang libro mula sa kahon,
Hindi na kailangang muling balikan at basahin,
Hindi na kailangang matutunan o intindihin,
Nagbunga na ang siyentipikong mundo,
Dito sa realidad na magulo,
Alamat ay malulumbay,
Mga pinagmulan ng mga bagay-bagay,
Pinagmulan ng isang kathang isip,

Mariing nakakaaliw,
Mariing malikhain,

Mas kita ang tunay na kinang
Kaysa sa ating realidad,

Alamat na pilit inilalahad,
Ibuklat natin ang sunod na pahina,
Upang makita ang hiwaga,
Mundong nilikha ng mga mapaglaro,
Na pinaglaruan din ng mundo,

Naisin man ngunit pinta at guhit nalang sa isipan,
Sa iyong kakaibang aral,
Na hindi kayang tagpuin ng realidad,
Patuloy kong hinahangad na sana ay may katulad,
Nitong fiction sa mundong walang perfection.

IWhere stories live. Discover now