Kabataan

45 1 0
                                    


(Pakurabang linya, Tuldok sa ibaba)

Ating pambansang awit,
May halaga pa ba?
Kung ang Sampagita ay unti-unting ng nalalanta?
Mga nobela ng mga bayani ay tanda mo pa ba?
Bakit nagkaganito na ang mga pagbabago ng kabanata?
Naglalaro sa isip mga pinagbago ng mga kabataan?
Walang nais ilahat ang aking ilalahad,
Opinyon kapwa ko sa aking henerasyon,
Simpleng bugtong 'di na masagot ng karamihan,
Hindi alam kung ano ba talaga ang pinaniniwalaan?
Nakalimutan na rin ba ang dapat na tinatandaan?
Ipagpatuloy ang buhay kasama ang natutunan sa nakaraan,
Magbago ka hindi dahil nasaktan,
Kung 'di dahil marami kang napagdaanan.

Kabataan, Oh Kabataan...
Payo ang ginawa kong tula bago mo pa makalimutan,

Ating responsibilidad,
limitasyon, obligasyon
ay wag kalimutan,

'Wag tayong maging salot sa lipunan,
'Wag tayong matakot lumaban,
Boses mo ay mahalaga,
Sa ating pagbabago ang magdadala,
Sa ating hindi perpektong bansa.

IWhere stories live. Discover now