Asakim

4 0 0
                                    


Kilala mo si Mikasa?
Tama ka, paborito ko siya sa lahat ng napanood ko,
Kasing angas niya ang mga kabanata ng kuwento,
Kahit na nakakapanlumo,
May lakas siyang kahit ilang batok pa ang hiwain,
Prinsipyo niya ay hindi matitinag.

Kahit kasing lamig ng nyebe ang kaniyang mga mata,
Pagmamahal sa sangkatauhan ay higit pa sa kinalakhan.

Kahit kasing bangis ng agila ang paglipad niya,
Isang lalaki lang pala ang magpapaluha sakaniya.

Sapat ba sayong maging tapat na sundalo?
Kung mawawala naman ang taong mahal mo? Mikasa.

Attack on Titan (Anime)
"Mikasa Ackerman"
tatakaeeee...

ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon