Tahanan

45 0 0
                                    


Nadaanan ka sa gitna ng ulan,
Hindi mo napansing lumuha sa daan,
Sapagka't iba na ang nakasilong,
Mula sa iyong payong.

Bakit hindi ko pa ring magawang isama sa hangin,
Itong aking damdamin?
Katulad ng ibong sumasayaw mula sa kalangitan,
Pagaspas ng mga pakpak ay dahan-dahan lamang,

Nakaiinggit hindi ba ang malayang nakalilipad?
Damdaming nailalahad,
Pangarap ay natutupad,
Ngunit mahal, sa'yo ay tila wala ng tutulad.

Dito lang ako hihiga sa paborito nating kama,
Baka makita muli kita sa pagmulat ng aking mga mata,
Sa darating na madidilim na umaga.

ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon