Isipang Bumbilya

30 0 0
                                    


Isandaang libong imahe,
Ito ba'y ilusyon?
Isang imahinasyon?

Labis na paghatid,
Sa aking kawalan,
Tulala sa'yong mundo,

Sa aking unan,
Malalim kung ituring,
Paghele ng mga bituin,

Puso rin nagugulumihanan,
Mundo mo ba ay totoo?
Handang hakbangin patungo dito,

Pighati ng kalapati,
Lumipad sa itaas,
Doon ginugol ng landas,

Sindi sa lampara,
Ako ang magdadala,
Saan ka man papunta,

Katapusan ng palabas,
Masaya ka ba?
Sa isipang bumbilya?

IWhere stories live. Discover now