Sleep Paralysis #1

12 0 0
                                    


Akala ko sa isang umaga,
Maliwanag at mapayapa,
Ako'y gising ngunit nanatili pang nakahiga,
Ako'y tulog ngunit nakakakita,
Hindi maigalaw ang mga kamay at ang mga paa.

Wari'y nakalutang,
Kaharap ang kay dilim na kisame,
Ako ay nakapikit,
Nilalabanan ang imahe.

Teka...

May bumubulong sa aking magkabilaang tenga,

Nagpakita ang isang lalaking matanda at aking nakilala,
Nakangiti, biglang nanlilisik ang mga mata
Nandiri sa kaniyang balak at nabigla,
Noong isang araw lang ay nakita ko lamang siya sa may tindahan,
Kaya ngayon takot nang makasalubong sa daan.

Buong akala ay tapos na ang palabas,
May pangalawang eksena biglang lumabas,

Inimbitahan ako ng isang lalaki,
Napag-alaman siya pala ay aking kaklase,
Pinindot ang notipikasyon sa aking telepono,
Doon na narinig ang kakaibang mga tono,

Tawa na parang demonyo,

Palakas, pahina
Pahina, palakas
Nakakapangilabot,
Nakakapanghina,

Pinilit muli igalaw ang aking mga binti,
Pakiusap gusto ko ng lumisan,
Kaya't ng makaalala,
Binanggit ko ang pangalan Niya,
Noong una nagkamali pa,
Ngunit sinubukan ko muli ay nakamulat na sa tunay na katawan.

Napagtantong ang braso at kamay ay naka krus sa aking dibdib,
Bumangon at pilit ang lahat lamang ay isang panaginip,
Bumulong sa isip na ang lahat ay bangungot,
Humiga muli at namahinga,
Hindi na ipinikit muli ang mga mata,
Dahil baka hindi na magising pa sa susunod na eksena.

ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon