Usa

8 0 0
                                    


Sa unang liyab,
Ang kahoy ay mabilis ng natupok,
Kaya't ang lamig ay hindi na nadama,
Tagal nating pinagkaingatan ang liyab,
Kaya't ang apoy ay patuloy sa pag-alab,
Sumasayaw ang ilaw,
Sa mata ng isa't isa,
Kaya't patuloy tayo sa pagkanta,
Inaawit ang paborito,
Kahit pa limot ang ibang liriko,
Hindi na natin pinansin ang buwan,
Dahil ang ginawa nating liwanag,
Ay higit pa mula sa taas.

Sa gabing ito,
Lumapit ang usa,
Kaharap na nating dalawa,
Kaya bigla nalang tayo natawa,
Doon sa saglit na saya,
Nakita ko ang sikat sa iyong mata,
Napanatag na ako kahit hindi na datnan ng umaga,
Sapat na ang ilaw na sayo nagmula,
Ngunit datapwat subalit,
Ako'y napahimbing,
Naggising ako na hinahanap ka,
Lumisan pala bago mag-umaga,
Naiwan mo pa itong kuwintas,
Na ako ang gumawa,
Masyado ata akong napanatag kagabi,
Na hindi ka aalis sa aking tabi.

Hinabol mo ba ang usa?
O umalis kang mag-isa?
Masaya isipin kung ang usa ang totoo,
Pero bigla kong nakita,
Naiba ang mundo.
Ang pamilyar na liwanag,
Doon sa apoy na nagliliyab,
May dalawang mukha,
Sabay kayong pumasok sa kubo,
Dahil sa biglang buhos ng ulan,
Sinimulan ko na ang tumalikod,
Ngunit biglang haplos mo sa aking likod,

"Kumusta ka? Aalis ka ulit?" bigla kong tingin muli.

Gaya ng pagbigla mo sa aking pagtingin,
Kaya't ngumiti ka sa akin at bumanggit,

"Hindi mo na kailangang tumakbo ng matulin, mahal kong usa." kuminang ang iyong mga mata na punong-puno ng pag-asa.

Sa gawain kong ito ikaw ay nahasa,
Kaya't imbes na tumakbo ulit ako ng matulin,
Ay naglakad na lang ako, at hindi na pa muling aasa.

IWhere stories live. Discover now