Paglalakbay II

1 0 0
                                    


Nag-umpisang maglakbay kahit hindi sigurado ang nilalaman ng isipan,
Ipinaubaya ko na lamang ang kapalaran Sakaniya,
Hindi ako banal na masasabing kinamumuhian ko ang lahat na hindi tama sa mundo,
Dahil doon din ako nag-umpisa,
Akala ko hindi na ako sasang-ayon na ang tunay na kasiyahan ay wala rito,
Akala ko hindi na ako aahon habang napapalibutan ng malamig na tubig,
Akala ko hindi na ako makakalakad ng hindi nakatingin sa daanan,
Pero biglang pagmulat ko ng mata may luhang pumapatak,
Umuulan at kumikidlat ngunit pagkatapos ay paraiso pala,
Ang lahat ng tanong na naiipon ko sa bawat taon,
Nasagot lang ng dasal at pagtitiwala,
Kung iniwan Niya ako,
Hindi sana ako ganito naglalakbay,
Mahirap ang walang dala pero alam ko naman na hindi ako nag-iisa,
Hindi pala ako kailanman nag-iisa.

ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon