Session Road

11 0 0
                                    


Sinamahan ako sa aking biglaan,
Doon sa biglaang may kung anong dala,
Wari'y dala ko pa rin kahit na bawasan.

Malungkot pero hindi nag-iisa,
Salamat sa aking bagaheng dala-dala,
Kinarga mo iyon patungong bundok.

Ngunit literal,
Naiwan ang bagaheng ating dinala,
Magkaibang perspektibo,
Konting pag-aalala at nakakilala.

Kay lamig pala,
Kaya't humigop ako sa aking mainit na tsokolate,
Mas matindi pa sa natikman kong kape noong kasama siya,
Tsokolate at ikaw, matindi, walang katulad.

Patuloy kang nakangiti,
Nakita ko 'yong nakaraan mo kumakaway,
Hindi lang pala iyon eh,
May ibibigat pa pala sa aking bagahe.

Ang dyaket ko na suot ay ipinahiram,
Napalakas tuloy ang isinigaw,
Rinig na ata ng tadhana,
Madilim pero may liwanag.

Bituing nagdaan,
Kunwari totoo,
Ngunit ikaw ang tunay,
Kasama kang lumulumbay,

Ipinagtagpo na pala,
Ano bang tawag?
Sa hanging nagbubuklod?
Ah basta iyon.

Akala ko ba huwag ipaubaya?
Eh bakit parang pakiramdam ko ata,
Tayo ay itinadhana?

Nag-inuman, nagkuwentuhan,
Epal lang 'yong banda,
Malulungkot na mga kanta.

Pero 'di bale sarap ng alak ng walang balak,
Sinabi mo kasi babalik at babalik ang pagmamahal na inalay ko,
Hindi agad-agad pero isusukli din ng mundo.

Kaya hanggang sa dulo ng Session Road,
Nagkatotoo ang panaginip,
Sisimulan ba?
Sabi ko "Kakalimutan ko na."

Noong umuwi na,
Bumalik lang pala,
Naiwan ang bagahe, isinauli
Siya nakakita.

Sinabi ng ninong natin,
Naalala ko bigla,
Kung totoo ba?
Mukhang naging totoo yata.

Hindi na kagaya ng dati,
Gusto ko sanang papasukin,
Pero magsusundo ba kayong dalawa?

Hanep naman pala,
Sinubukan ko lamang kumalma,
Makalimot,
Pero bakit ganito nalang bigla?

Biglaan sa una,
Nabigla sa dulo,
Katulad pa ba?
Medyo magulo.

"Una na ako," sabi mo.
Aalis ka kasi bumalik siya,
Hindi, huwag, ayoko?
Ay hindi mag-iingat ka pala.

Bagahe ko ay dalawa lamang,
Pero bakit parang lima na?
Nag-alay siya ng bulaklak,
Matutuwa nga ba ako?

Babalik pala siya,
Babalikan niya ako,
Naalala ko na lamang ang simula kanina,

"Ikaw ba, gusto mo na umuwi?"

"Para kasing ayoko pa."

Kasing lupet mo yung tadhana,

Ipapaubaya mo ba?

Inspired by the movie "That Thing Called Tadhana".

IWhere stories live. Discover now