Lula

2 0 0
                                    


Ganito ba talaga ang mangarap,
Kung kailan mo nais ang mataas,
Saka nakakawalang gana?
Ngunit kailan ba ako nangarap ng maliit?
Siguro hindi ako para doon,
Hindi sigurado sa pag-hakbang,
Dahil sa mataas na inaakyat,
Nakakalula, parang gusto ko ng umatras,
Pero malayo na rin pala ako,
Hihinga muna ako saglit dito sa gitna,
Gitna ng unahan, gitna ng gitna, gitna ng papuntang dulo o gitna ng dulo.
Hindi na bale, magiging kuntento na muna dito sa aking pag saglit.

IWhere stories live. Discover now