Siyudad

34 0 0
                                    


Umakyat sa isandaang hakbang ng  gusali,

Dahan dahan akong napatigil bago nanatili,
Minsan maganda pala ang nag-iisa,
Masarap sa pakiramdam na sarili lang ang kasama,
Sa buhay na punong-puno ng hiwaga,
Magugulat ka nalang bigla ka na lang mag-isa,
Hindi ka nalang agad maniniwala,
Hindi rin nagsabi at biglang nawala.

Siguro hahayaan nalang ang lahat sa tuktok ng gusali na,
Mayroong punong-puno ng mga bumbilya sa langit,
Ang iilan nga lang ay pundido na at hindi na nagpapakita,
Habang hinahawi ng hangin ang basang mga pisngi,
Ang siyudad na lang pala ang paulit-ulit na ngingiti sa'yo,
Kahit pa maingay, magandang pagmasdan sa malayo.

Gabi na, kita mo ang buwan?
Kahit walang tenga at mata,
Sa kaniya ko sinasabi ang mga sumbong ko,
Sa kaniya ko pinapakita kung nakailang mga luha na ang pumatak sa mga damit  na ito.

At suot ko nga pala 'yong damit noong una tayong nagkita,
Madilim doon noon sa may eskinita,
Pero akalain mo nahanap kita,
P

ero akalain mo rin, ako lang 'yong nakahanap sa'yo.

IWhere stories live. Discover now