Ang Mahuli

5 0 0
                                    


Namulat nambibigla,
Bukambibig ng lupa,
Sumulat nung humupa.

Wala ng nakinig,
Narindi sa kakadaing,
Ng sarili,
Ng kaniyang sarili.

Hindi na nabago,
Walang mababago,
Hindi nagbago,
Hindi binago ng sarili,
Lahat ay ginaganti,
Lahat ay may ugong,
Paulit-ulit nang umaalulong.

Gabi ka bang buhay?
Umaakyat sa bundok?
Titingala sa buwan?
Tumatayo saka tatahol?
Ibibigay ang lakas,
Ng masikatan ng liwanag,
Doon lang aalingawngaw,
Hinampas na batungaw.

Nakikiusap ang iba,
Masakit sa tenga,
Marunong kang tumingala,
Nang hindi halata,
Lahat na ata ay tagumpay,
Kahit sa ibang bangka nakasakay,
Kinuha ang sagwan,
Hindi alam saan ang pupuntahan,
Kahit delikado,
Kahit hindi alisto,
Kahit wala sa punto,
Sumusunggab sa pinto,
Dahil sabi mo mismo,
Ang mahuli, ay talo.

IWhere stories live. Discover now