Liham para sa Kuwit

2 0 0
                                    


Sinabi ko na ito ay ginusto ng langit,
Apat na buwan pa lang,
Malayo pa ang tuldok,
Mauuna muna ang kuwit.

Sabagay nakatapak sa lupa,
Hindi Diyos napapagod din,
Huwag ng mangalumbaba,
Babalik rin.

May takot sa panibagong pahina,
Hayaang mag-alay ng sariling libro,
Maging malayang sumulat,
Dahil ang bukas ay darating din.

Masaya ako sa pitong talulot,
Maghihiwalay at ililipad ng hangin,
Malayo ang mararating,
Lalapag at buong magbubunga rin.

IWhere stories live. Discover now