Sa Loob Nito

2 0 0
                                    


Sa loob nito—
ay galit.
Masakit pigilan,
Mabigat ang kalooban,
May kung anong sumasakal sa lalamunan.

Gustong magwala ng damdaming hindi makahinga,
Kaya umiiyak kapag nag-iisa.

Iniipon hanggang sa sumingaw,
Magsisisi kapag mali ang iginalaw,
Tama kaya ang ipakita kung mali naman ang ihahataw?

ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon