Tattoed Woman

38 1 0
                                    


Inihayag ang sarili gamit ang obrang sa katawan niya ipininta
Mapa-pula, itim, asul, kahel man o iba pa
Ano man ang kulay ng mga tinta
Pagmasdan nang maigi ang mga linya
Na karamihan ay sa papel mo lang nakikita
Ngunit ang mga pahayag na ikaw mismo makakakuha
Mga larawang nangungusap
Na parang namamanata
Larawang sumisigaw
Na parang gustong matanaw
Kung usapang katapangan sa kaniyang katauhan
Ang kaniyang nagiging lakas ay hindi porselana o maging alahas sa karamihan
Kung 'di ang obrang bibigyan ka ng bakas at hindi kumukupas upang may matandaan
Walang mali sa obrang ginuhit galing sa puso kahit na nag mula pa isang kababaihan.

#ChallengeAccepted
#FilipinoSPW
#TattoedWoman


IWhere stories live. Discover now