Paglalakbay

41 0 0
                                    


Naglalakad ka pa rin ba sa putikan?
Dala-dala ang marka ng nakaraan?
Pagod mo ay hindi na maramdaman?

Nagsusunog ng kilay kahit kabila mong binti ng kahapon ay pilay,
Hindi balakid para sa ikakabuhay,
Ramdam mo ba ang tindi ng pagkaumay?
Sa paulit-ulit na pagdapa sa damuhan kasama ang hapdi ng paglatay,
Bakit ka may dahilan sa pagsubok mo sa tagumpay?
Ano ang dahilan sa likod ng pursigidong paglalakbay?
Hirap kana kapatid, bakit ngumingiti ka pa rin ng walang humpay?

Isa kang kaha-hangang nilalang, binuhay para hindi talikuran ang tadhana na ipinataw sayo,
Ganiyan ba rin sila at ang pagsuko ay wala sa kanilang bokabularyo?

Mapalad ka oh kaibigan, hangga't humihinga makikita mo ang ganda na wala sa mundo,

Mapalad ka pagka't ang puso mo ay umaapaw at nakikita ng mga tao,

Isang pagpupugay sa iyong buong pagkatao,

Marami ka pang bibigyan ng mga salitang magbibigay buhay para kilalanin ang ating Panginoon.

Kahit doble dekada ang tinagal ng panahon,

Hindi na uso ang paghihintay ng walang pag-agos para sa iyong paglalakbay.

IWhere stories live. Discover now