Magkaibang Mundo

36 0 0
                                    


Mula sa buhay ng kadiliman,

Ako ay batang naglalaro ng hindi ko namalayan—
May taong nakapasok mula sa aming kaharian,
Hinabol ko at aking naabutan.

Isang batang kagaya ko ang aking natagpuan,
Tumagal ang panahon kami ay naghahabu-habulan ,
Sa labas ng bakuran ang tangi naming palaruan,
Walang nakakakita, Walang nakadadama
Na kami ay magkaibigan.

Tumagal ang walang katulad na samahan,
Kapwa kami ay lumaki na at nagmahalan,
Siya lang ang tangi kong tahanan,
Sa tuwing ako ay laging nasasaktan.

Hindi alam ang kakaibang pag-iibigan,
Hindi alam ang aming parehas na nararamdaman,
Hanggang sa dumating sa atin ay may napag-alaman,
Pag-ibig ay tuluyang nawakasan.

Hindi ako ang lumisan,
Ang tanging pag-ibig na alam ko ay tuluyan akong iniwan,
Mahal, iba man ang mundong ating kinalakhan,
Sapagka't hindi parin magbabago ang aking nararamdaman.

Ako man ay iyong nilisan, iniwan
Ako ay lagi lang maghihintay sa ating tagpuan,
Ang noong tanging palaruan sa may bakuran,
Ang alaala at ang tanging naging tahanan,
Ay hinding hinding hindi malilimutan,

Mahal kita magpakailanman.

ECCENDENTESIAST

IKde žijí příběhy. Začni objevovat