Bomalabs

33 1 0
                                    

Bato, bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit,
'Di maiintidihan ang pait,
Sa sistemang iibahin kapalit,
Nito'y ngiting ipinagkait,
Tiwala ang pundasyon,

Tila tanong kung bakit ganoon?
Saan ba ang kahalagahan 'non?
Sa pagtapak dito tila nagbabagang
kugon,
Didiretso ba kung saan ka
pumaparoon?
Sana'y kasagutan ay umambon,
Sa pisngi ng bawat isa upang malaman
kung ano nga ba ang nilalaman 'non,

Pakinggan ang hinaing,
Tila bingi at nakabitin,
Huwag mong sadyain,
Sapagkat ito'y ihain,
Mas malabo kapa sa usok ng apoy na
tinatapakan namin,
Huwag mo ng bigyang pansin,
Ang tula kung hindi iyong iibigin,
Wala kaming dapat na pilitin,
Kung wala mismo sa gawa ay pinipilit
intindihin na lang din,
Tulad ng teleponong walang sumasagot
na parang matagal hinayaan lang din
na nakabitin.

IWhere stories live. Discover now