Dekada + Dekada

12 0 0
                                    

Nung nagbilang na ang orasan,
Magmula sa pababa ng bilang,
Ang lahat ng nagsalita nang pabalang,
Ngayon kayo magparamdam,

Lalimin pa ang paghinga,
Bahala na kung mamangha o magtaka,
Ang kasunod nito ay delubyong tole-tolenada,
Maghanda ka,
Ngunit nag-umpisa na pala,

Nagliyab ang kalikasan,
Nabura ang simbahan,
Nakalbo ang kagubatan,
May nawalan ng tirahan,
Abo at usok nitong bulkan,

Wala na rin ang kamandag ng black mamba,
Pagkamay ng virus ng Wuhan China,
Kumalat pa sa mga kamay ng Amerika,
Sumabay na rin ang mga mapagsamantala,

Maging positibo man ay takot na itong marinig,
Baka iba na ang lumabas sa kanilang mga bibig,

Naglipana na rin ang mga banal at ang mga hangal,
Parehong naipit sa sitwasyong 'di inakalang magtatagal.

Hanggang Marso, Abril
Ang lahat ba ay matitigil?
Rinig mo ba ang ingay ng siyudad?
Sumisigaw, "Kelan tayo muli makakausad?!"
Bugbog na ang frontliners,
Mapasundalo o health workers,

Ang delubyong tole-toledana,
Sa taóng dekada dekada.
Magpapasalamat kaya?

May naririnig akong humahalakhak,
Hindi ko alam saan at bakit siya nagagalak?
Tao ay nagwawala, nawawala
Sino ba ang tumatawa magmula pa kanina?

Tumingin muna sa kalangitan, sa daanan, sa mata ng mga taong takot na mahawaan,

Ang mundo ay siya palang nakangiti,
Nakaramdam na ng kapayapaan,
Matagal na ring pinagsamantalahan,
Sa sarili niyang katawan,
Kaya sumabay at bumilang kasabay ng orasan,

Lima,
Apat,
Tatlo,
Dalawa,
Isa...

Panahon sa
Dekada Dekada.

ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon