Sarili

43 1 0
                                    


Hindi ko maibsan ang paulit-ulit na pagka-uhaw,
Repleksyon ko'y ni hindi ko man lang matanaw,
'Nung ako'y humarap na sa salamin hindi ko makita ang sarili ng malinaw,

Ang kabadong dibdib sumasabay na lang sa himig ng aking pinapakinggan,
Pinipilit hanapin ang katotohanan,
Pinipilit hanapin ang nawawalang sagot sa mga katanungan,

Kay bilis nang umiwas ng alon,
Tumatakbo na rin ang haring araw,
Sobrang lamig na din ng gabi,
Sinubukan kong magsindi pero laging napupundi,

Saan ko ba titignan?
Saan ko ba hahanapin, sapat bang ako
lang ang dapat umiintindi?

Kay gulo sa pangkaraniwang tao, hindi ka sanay sa kasabihang nilikha tayo para sundin ang yapak ng mundo.

Malayo pa sa kung ano ang dapat kong matutunan sa aking pagtunton sa dagat ng may malaking alon.

Bawat paghampas nito'y, alam kong umpisa pa lang ng laban talo na ako.

Nagsimula na ang giyera ngunit 'di alam kung papaano ba lumaban,

Pero naglayag ang ating Panginoon,

Natunton ko bigla at nakita ang katotohanan,

Hindi pala dapat lahat kailangan ang paglalayag ng may kasiguraduhan,

Nag-uumpisa pa lang kumalma ang karagatan,

Nakita ko na ng tuluyan na marami akong kasamang naglayag iba-iba lang pala tayo ng dinadaanan.

IWhere stories live. Discover now