Higaan

5 0 0
                                    


Nakanganga at nakatulala,
Hanggang pumatak na ang tubig mula
sa bubungan,
Nakita ang repleksyon sa sahig,
ng matapakan,
Naging pula,
Naging itim,
Nagdasal bigla ng taimtim,
Ang rosaryong dala-dala,
Kumawala ng bigla,
Butil-butil ng nawawala,
Hindi na mawari,
Wag sanang mangyari,
Kung hihinto at mananatili,
Napatuling takbo,
Palabas ng kubo,
Narating ang kakahuyan,
Hanggang sa iba ang nadatnan,
Bukas na mata,
Nakangisi ng makita,
Ugatang leeg ay dumidiin,
Tagos ang hangin,
Kahit pawisang nakatayo,
Lumalapit lumalayo,
'Yan ang tunog at imahe,
Tumatak noong ako'y nasa higaan,
Umiikot na parang nasa kalawakan,
Tumitingin tumatawa sa kawalan,
Kada bulong sa aking bungo,
Ay may tinuturok sa aking dugo.

IKde žijí příběhy. Začni objevovat