Pagsuko

40 1 0
                                    


Ang pagsuko ay tanda ba ng 'di pagkatuto?
Susundin kaya ang depinisyon kahit nalilito sa pinupunto?

Wag mabahala,
Ito'y mahihinuha,
Sa pagdilat ng mga mata ng dahan-dahan,
Malabo man sa una ngunit makikita,
Sa pagdilim muli,
Ipikit ng mabuti,
Gamitin ng maigi,
Yaring puso sa paghikbi

Ito man ay ngayon ikaw parin ay ngumiti,
Masisilayan ang liwanag,
Kahit hindi madali pero hindi ka talo,
Ito ay laro ng buhay sa mga plinano,
Ngunit sa piling ng Diyos,
Ikaw ay puno na ng lubos,
Biyaya'y akala mo ay ubos,
Makikita mo ika'y mag-paagos,
Pandama ang wakas, ay salita
Sa mundo'y parang putik sa kalsada,
Masasabi din bang tapos na kapag ikaw
ay masaya?

Pansinin ito'y uulit na muli,
'Kaya 'wag kang magmadali,
Ngunit 'wag rin magpahuli,
Ipagpalagay na kung ano ang tama at mali,
Hagda-hagdan pa lang yan wala ka pa
sa tuktok,
Ang kakariktan na liwanag ay sa makitid pumapasok,

Imulat man sa dilim ang paningin ay
'wag sumuko sa apoy hanggang manatili na itong usok sa huli.

IOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz