Hinay, Maghintay

27 0 0
                                    


Napakalaki ng galos mo sa katawan,
Sino ang may kagagawan?
Hindi maipakita,
Ngunit kita sa mga mata.
Sa paggalaw ng bangkang sinasakyan,
Nakatayo kahit malayo pa ang tahanan,
Maalon sa gitna at maulan.
Kahit na tagal ng dinig,
Patuloy nananalig,
Sa mga tanim,
Na ating dinilig.
Mahirap hawiin ang hangin,
Ngunit patuloy itong damhin,
Kahit mabigat sa damdamin,
Iba man ang direksyon mo sa kanila,
Makakarating ka rin naman,
Kaso hinay lang,
Hintay ka muna,
Magtiwala at matatagpuan,
Kasagutan ay nasa daan lamang,
Ikaw ay mag-abang.

IWhere stories live. Discover now