Paboritong Kanta

27 0 0
                                    

Minsan lang kung umibig,

Minsan lang din kung mag-dilig,

At doon pa napili sa gilid,

Mali bang may mali sa sarili?

Wala pa lang maipagmamalaki,

Ang lapit ng tingin ko mula sa buwan ngunit ang layo pala kung abutin,

Pinili pa ring titigan sa malayo at doon na laging nakatingin,

Kaya't labis akong naiinggit sa buwan Ikaw ay kaniyang nasisilayan at ganun ka rin naman sa kaniya,

Na hindi magawa sa iyong mga mata, sinta.

Naguguluhan sa kung ano ang dapat maramdaman,
Hindi na matagpuan sa mga alaala,

Mas bilang ko pa kaysa sa aking mga ilusyon at pagluha,

Kay tila isang sirang plaka, hindi matapos ang melodiya ng kanta,

Ngunit hindi na magbabago ang himno nitong puso na minsang naging paborito kong kanta.

ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon