Nangangalawang na Itak

4 0 0
                                    


Ang matandang damo ay matalas at maaaring makasugat,
Mahapdi na para bang nakahihiwa rin ng balat,
Ngunit mas matalas pala ang nangagalawang na itak,
Kahit ni ha ni ho anong hasa ay nakasusugat,
Ngunit matabas man ng nangangalawang na itak ang damo,
Ang pinagmulan ay sa ilalim,
Makalipas makaraan ay tutubo na itong muli.

Kasing purol ng iyong puso ang hawak mong itak,
Saksi ang lupa sa pangarap at luha na pumapatak,
Makalawang na pamamaraan,
Bakas rin na nakita sa pagputol,
Saan nanggagaling ang galit?
Pag-angkin sa nawalan ay 'di hamak na may pinagmulan?
Kaya ang sugat nila ay mayroon ding pinagkukunan.

IWhere stories live. Discover now