Hanggang sa Huli

5 0 0
                                    


Hindi man mahal ko ika'y aking natagpuan noong ako ay may pagmamahal,
Itinago ko ng matagal sapagka't aking inisip na ang lahat ay sagabal,
Ngunit ang tanong nga ba na ang pagmamahal ba na ito ay magtatagal?
Kung sinabi ko ang lahat noong una ay tila matatapos din kaagad,
Kahit na ibuhos ng isang balde at aking isagad,
Ay tila hindi na magbabago na parang ang lahat ng ito ay sa kalsada ang eksena,
Ikaw ay dadaan at magkukunwaring tayong dalawa ay hindi magkakilala,
Sabi ko na nga ba,
Papayagan lang ako ng langit na mahalin ka ng saglitan,
Ipinahiram lang at sumang-ayon sa panandalian,
Kung sasayangin lang ng panahon ay hindi na aatungal,
Sapagka't kung ang magiging dahilan ay makatagpo ng tunay na magmamahal,
Ipipikit ko na lang ang aking mga mata at sasabihing salamat sa lahat,
Kahit magulo ang mundo magiba man at makalat,
Instrumento at naging paboritong kanta,
Ang ating pag-ibig na tila sa lantang dahon na lang makikita,
Ito man ang huli, nais ko lang malaman mo na...

Mahal Kita.

Inspired by SB19's Hanggang sa Huli

IWhere stories live. Discover now