Walang Gana

40 0 0
                                    


Tila ang kahapon ay abot pa ang ngiti,
Ngunit sa kahapon na lang pala iyon mananatili,

Dapat ba akong hindi magsisi?
Ang hindi pagsunod at manatili sa tabi,
Hindi pa handang mag-isa,
Ngunit sa liwanag ka sumama,

Pumipikit man...
Isarado man ang nararamdaman...
Malinaw na wala ka na,

'Wag kayong makonsensiya,
'Wag kayong magpasensiya,

Nawalan lang ako ng gana,
Pero mananatili ang "mahal kita"

Bigla mang lumayo ang bulong,
Na rinig ko hanggang ngayon,
Kahit nagmula pa sa kahapon,
Inagaw ang mga pagkakataon,

Nakakawalang gana,
Kung hindi ka na kasama,

Pinipilit bawiin ang mga luha,
Ngunit kusa itong pumapatak,
Katulad ng langit na labis ang ulan sa pagbagsak,

Ngunit paano na kaya mahal?
Ang pusong nagpapagal...
Kung sa langit ka na magtatagal?

ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon