Naiiba

44 1 0
                                    


Regalo ko nung ako ay nangarap,
Inipon ang panahon,
Ang pagkakataon,
Mahawakan lamang ang tamang melodiya ng buhay,
Malaya man may pumipigil pa rin,
Mundo ay sadyang paiikutin,
Hanggang mahilo,
Hanggang ang paningin ay dumoble,
Papipiliin ka ano ba ang ituturo mo?

Pinangarap ng puso o pangarap na nais dinggin pa ng puso?

Heto at ngayo'y iwaglit,
Mundo man ay maliit,
Simulan na ang pag-ikot ng plaka,
Hindi ito pelikula na puro masaya ang ending,
Kaibigan, nagkakamali ka ng hiniling.

Simulan mo na ang sumulat,
Bolpen mong ngatngat,
May silbi pang may maimulat,
Pusong minsan ay salat,
Tunog ay kalat,

Mabibigkas ko rin sa mundo...

"Pakiusap 'di ako tulad nila, naiiba rin ako sa lahat."

IWhere stories live. Discover now