Lamay

39 0 0
                                    


Kung pumanaw ang pag-ibig na dating masigla at buhay,

Ibaon mo na at pagpahingain,
Hindi ko ipipilit ang pusong nagmamahal,
Kung ang iyong pag-ibig na iaalay ay
Matagal ng patay.

Wala na lang akong hihilingin,
Wala na lang akong sasabihin,

Matagal ko man dapat malaman,
Ngunit ako ay nanatili,
Nandito at sa'yo nananahan.

Ang dating apoy,
Ngayon ay usok na lamang,
Hindi alam sino ang may sala,
Pero hindi ko na iindahin pa,
Sapagka't wala na akong gana.

Ayoko mang mag-isa,
Pero yun siguro ang gusto ng tadhana,
Sa pagkakataong wala ka na,
Lilisan na ako sa puntod,
Mula doon sa ibinaon mong pag-ibig na akala ko walang kapantay,
Na akala ko ay sa akin mo ibibigay,
Ang dating masigla ngayon ay patay.

Nakikiramay ako sa sarili kong kamatayan na ikaw ang dahilan,
Mahal kita, ngunit ikaw ay tuluya nang lumisan.

IWhere stories live. Discover now