Sa Likuran Niya

2 0 0
                                    


Sa tagal kong nakatayo sa tubig ang hakbang ay hindi magawa,
'pagkat baka mayari,

takot, ligaw, dilim, labo at ginaw...

Sa tagal kong nakatayo sa tubig,
Sinubok ding ihakbang ang kanang paa kahit na dahan-dahan.

Nanunuot ang lamig na tubig,
Biglang umalon, bumagyo't kumidlat.

At nakita ang repleksyon,
sa tubig
hindi—
nakita ang sarili sa ilalim...
Hindi na nagulat.

Matagal ng nakalutang ang manipis na katawan,
Sa malamig na tubig,
Na unti-unting pumapasok sa aking laman.

Nakapikit ang mata,
Hinayaang bumagsak ang katawan sa kaila-ilaliman.

Sapyo ang pag-iisa't kalumbayan,
Hinahango ng dilim ang paningin,
Sa paglayo ng aking katawan,
Mula sa ibabaw,
Uminit ang tubig,
Ngunit hindi nakakapaso.

Sa pagbulusok ng tubig,
Ako'y nagising,
May umalay ng kamay,
Malayo na ang ibabaw,
Ako pa rin ay lumangoy.

Kinuha ang aking kamay pati na ang takot,
Pag-ahon ko'y isa palang bangungot.

Tinapik Niya ako at sinimulan muli ang Kaniyang paglalakad,
sa tubig,
hindi—
Doon sa malawak na walang hanggan.

ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon