Tigil-Tuloy

55 1 0
                                    


Simbolo ang tatak,
Ibig sa salita ay limpak-limpak,
Sa mundo pagtapak,
Kahit minsan nakayapak,
Maisakatuparan ang mga sana at palaging maging galak,
Sa muling paglipad magamit ko na ang aking pakpak,
Nangangamba kahit nagpapakababa,
Sa mundong moderno ay binago na ang pinta,
Kilos, laging may puna at pilit lang kumakawala,

Ayan na ang kasabihan kailangan ng tingnan at pakinggan...

Titigil, hihinto pero ito'y itutuloy
Sinimulan, inumpisahan at ito'y magagampanan
Sa isa, sa dalawa, sa tatlong hakbang
Ang bumaba sa hagdanan ay 'wag ng subukan,
Patungo na sa tuktok ng kinabukasan,

Makitid, maputik at maulan ba sa daan
Minsan ay mananatiling minsan,
Bukas ay wala ng katapusan,
Kaya't mangarap ka minsan at
ipagpatuloy mo kinabukasan,

Sa pagdaan ng bagyo,
Ikaw na ay tumayo at sumilong,
At noong umaambon na,
Tila biglang humihinahon,
Malapit na ba sa destinasyon?
Kanina pa ako pumaparoon,
Parang walang tumutugon?

Sa pagbabasa'y humihinto na ako,
Pero ipagpapatuloy ko pa rin ba iyon,
Siguro minsan, siguro kinabukasan
Pangako ang sinimulan ay atin ng matuldukan,
Ang natuldukan ay may panibago ng sisimulan,

Ititigil at itutuloy
Tigil-Tuloy
Sa paroroon

Ako ay si Semi-Kolon ;

IWhere stories live. Discover now