Mahalima

3 0 0
                                    


Sabi ko nga lilingon din ako sa inyo,
Ito pa ang naging katha pero naging totoo,
Alam kong posible pero 'di ko akalain na sila ay kayo,
Ibinigay dahil alam din ang himig kaya naging instrumento,
Ang bote noon ay nakalutang at walang laman,
Inubos ng panahon at itinapon na lang sa karagatang malakas ang alon,
Ngunit may nakakita dahil Siya ang pinto at ang bintana,
Ang mundo ang magsasabing basura ka sa gitna ng karagatan,
Hinampas ng kawalan na tila hindi kilala ang kinabukasan,
Kung kayo ay tumatanaw diyan sa taas tutubuan din ako ng pakpak,
Ako ay mananatiling nakayapak kahit maputik sa daanan,
Pumustang hindi na naniniwala na may hangganan,
Ang dilim man sa madilim ay madatnan,
Kahit ang baligtad ay umiikot ng triple,
Ang imposible ay magiging posible.

IWhere stories live. Discover now