Papel na Bago

37 1 0
                                    


Resolution mong pinaghirapan kagabi,
Papel na kinuha mo sa tabi,
At gumagawa nang nakangiti,
Hindi pa tapos ay ngalay na ang mga binti,
Aasang bukas ay ihaharap na ang bagong sarili,
Idadaan sa dahan-dahan ang iyong mga pinili,

Ngunit sa bandang huli...
Pilit iintindihin, iisipin anong mali sa sinulat mo noong gabi?

At ngayo'y uulitin mo sa papel na bago,

Papel lang at walang pagbabago,
Aasa at magsusulat muli bago ang taon ay magbago,
Isang taon at magigising habang nakaupo,
Hindi na lang pala gagawa pa sa papel na bago.

IWhere stories live. Discover now