[59] In Which Their Magic Training Continues

604 88 55
                                    

Hi guys! Maraming salamat sa paghihintay at sa pagbabasa. May bago akong story, sana basahin niyo. Mythical Server Zero ang title. Maraming salamat ulit at enjoy!

EPISODE 59:
In Which Their Magic Training Continues

"Nice to meet you, po, Teacher Lotte!" masayang bati ng bagong dating na bata sa library.

Matagal pang natanga si Lotte nang makita ito. Hindi maaari, sabi niya sa isip na napatitig sa bata. Umusad na siya, diba? Nakadama si Lotte ng magkahalong saya at lungkot habang tinititigan si Aevyn. Medyo naluha pa nga siya.

Kaya lang ay magigising din siya sa katotohanan nang mapansin ang damit nitong magara.

Nagtagis ang bagang niya sa inis.

"Muriel," sabi ni Lotte na tiningnan ang dalawa. Inayos niya ang sarili. "Ano 'to?"

"Gusto rin daw niyang magpaturo sa'yo, Lotte, kaya k-kinuha ko muna siya sa nanay niya at dinala dito," sabi ni Muriel. Sinenyasan siya nito. "Ayos lang naman, diba?"

Tumango si Lotte at nagbuntong-hininga. "Ayos lang naman. Pero bago 'yon, kakausapin ko na muna si Aevyn, ha?"

Idiniin pa talaga ni Lotte ang pangalang 'yon, saka sinenyasan itong lumapit. Hinila naman niya si Aevyn sa isa sa mga shelves. Pinakiusapan niya rin si Muriel na bantayan na muna ang mga bata.

Nang sila na lang ang nandoon ay hinarap niya ito ng buo.

"Ano na naman bang kalokohan 'to, Rivendyll?!" inis na bulong ni Lotte.

Nanlaki naman ang mga mata ng 'batang' kaharap niya. "Ah. Kilala mo pala ako?"

"Malamang!" sabi ni Lotte. "Bumalik ka na naman ba sa pagka-bata, ha? At talagang pumasok ka pa dito at nagdadrama na naman."

Bumuga ng hangin si Rivendyll saka naghalukipkip. "Hindi ako bumalik sa pagkabata. Gumawa lang ako ng spell para maging ganito ka-bata ulit."

"Para saan?" sabi niya na namaywang din.

"Carlotta," panimula nito. "Alam ko na mahihirapan kang turuan ang mga bata dahil hindi sila halos nakikinig sa'yo. Hindi nga rin sila halos nakikinig sa'kin eh. Kaya kaninang umaga, pumunta na muna ako sa isang tagong tore at doon ginawa ang spell. Inaya ko na rin si Muriel para mas maging convincing ang pagbabalik ni Aevyn dito sa bahay."

Marahan namang tumango si Lotte. "At kaya mo ginagawa ito ay?"

"Para ma-motivate sila sa pag-aaral at magawa nilang makinig sa'yo," sabi ni Rivendyll. Sumilip sila sa shelf at nakitang nakatayo lang ng tahimik ang triplets sa study corner. "Kapag nakakita sila ng ka-kompetensya, baka mas ganahan silang matuto."

"Sigurado ka bang tatalab 'to? O baka naman mas lalo lang silang maiinis?" sabi ni Lotte. Hindi niya malimutan na noong unang araw na pinakilala nila si Aevyn, ay halata naman na nagsi-selos ang triplets sa atensyon na nakuha nito mula sa mga kapatid.

"Subukan natin. At 'wag kang mag-aalala, magiging model student ako para naman gayahin nila ang pagiging behave at masunurin ko," sabi ni Rivendyll. "Bumalik na tayo roon."

Pagbalik nila sa study corner ay sinundan sila ng matatalim na tingin ng triplets. Pinaupo naman ni Lotte si Rivendyll sa dulong silya. Pag-upo pa lang nito, ay umusog si C papalayo.

"Ngayon, mas kailangan niyo nang mag-behave. Lalo pa't sasama pala si Aevyn sa pag-aaral niyo," sabi ni Lotte. Ngumiti naman si Rivendyll. Gusto niyang mainis dito, pero ayaw niyang aminin na natatawa siya sa ginagawa nito. "Ayaw niyo naman siyang pakitaan ng bad example, diba, lalo pa't kuya niya kayo?"

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon