[12] In Which They Recreate a Powerful Spell

1.5K 125 8
                                    

EPISODE 12:
In Which They Recreate a Powerful Spell

"Pamamahay mo?" natatawang sabi naman ni Levine. Inayos naman ni Lewis ang sarili. Habang si Lotte naman ay gumapang patayo at pumunta sa isang tabi. "Malakas na pala ang loob mo na tawagin ang sarili mong Duke Magoria, na kung tutuusin ako ang nararapat na may hawak ng titulong 'yon. Sucks to be a second-born child, isn't it?"

"Walang karapatan na tumapak sa bahay na ito ang isang mamamatay-tao," malamig na sabi ni Lewis. "Lalo na ang isang taong walang kaapog-apog na trumaydor sa sarili niyang kadugo. Anong ginagawa mo rito?"

Mas lalong lumapad ang ngiti ni Levine.

"Lewis naman, tinatanong pa ba 'yan?" sabi naman ni Levine. "Kani-kanina lang pinakitaan mo pa nga ako ng kakayahan mo diba? Pero nakakatawa lang dahil para sa isang Magoria na may hawak ng Tarot of Strength, ang kaya mo lang ba ibato ay isang sofa?"

Tuwang-tuwa namang ikinumpas ni Levine ang isang kamay at pinaikot ang sofa sa ere gamit ang mahika nito. Saka tininingnan si Lewis at tinaasan ng kilay. Nanatili lang na nakatingin lang si Lewis dito.

"Kung wala naman palang kwenta sa'yo ang Arcane Seal na meron ako, bakit mo pa pilit na kinukuha 'yon mula sa amin?" sagot naman ni Lewis. "Hindi ka pa ba nakukuntento sa meron ka at lahat talaga ng Arcane Seals namin gusto mong kunin?"

"Wala akong sinabi na walang kwenta 'yon. Kung tutuusin, sa daming gamit na meron ang Tarot of Strength, pag-aagawan 'yon ng mundo kahit na ng World Sovereign," sabi naman ni Levine. "Kaya lang, masasayang lang ang Arcane Seal na 'yon sa'yo. Kaya mas mabuting isuko niyo na lang sa akin ang seals niyo. Mas may mapupuntahan pa 'yon kung hawak ko."

Sinamaan naman ito ng tingin ni Lewis.

"Wala ka ba talagang pakialam sa mga kapatid mo?" anito ng marahan. "Kahit na ikamatay pa nila ang pagtanggal mo ng Arcane Seal, kukunin mo pa rin sa kanila?"

Matagal naman bago sumagot si Levine.

"Gyah, gyah, gyah, Lewis," walang ganang sabi nito. "Ireserba mo ang mga bait-baitan mong sermon sa mga nakababata mong kapatid. Dahil kung ayaw niyong ibigay sa akin ng mapayapa, kukunin ko na lang sa inyo ng pwersahan."

Itinaas ni Levine ang staff. Habang ibinukas-sara naman ni Lewis ang mga kamay nito. Sa isang iglap ay nagsimulang maglabanan ang dalawa.

"Lotte, dalhin mo ang mga bata sa library," sabi nito sa kanya. Para namang nagising doon si Lotte. "Ako ng bahala dito."

"Ah, oo—" sabi naman niya at nagkadaugagang lumayo mula sa sentro ng labanan. Nilapitan niya sina Uno at Hadi, pati na ang mga triplets para hilahin papunta sa lugar na tinutukoy nito.

"'Yokong sumama sa'yo!" angal naman ng isa sa mga triplets at tumakbo kung saan. Sumunod naman ang dalawa pa rito. Paakyat ang mga ito sa hagdan.

"Ang mga 'yon talaga!" sigaw naman ni Uno. Tatakbo na sana ito para sundan ang mga bata pero pinigilan ito ni Lewis.

"Hayaan mo na lang sila roon, siguro mas magiging ligtas sila sa second floor," sabi naman ni Lewis na napabuntong-hininga. "Kayo pumunta kayo sa library. Hadi—"

"O-oo?" sagot naman ni Hadi.

"Hanapin mo ang librong 'yon. Sa private study ko, nasa isa sa mga shelves sa bandang kanan," sabi ni Lewis. "Aralin mo anong nakalagay doon."

Mabilis namang tumango si Hadi.

"Uno, pakitulungan si Hadi," pagpapatuloy ni Lewis.

"Eh?" sagot naman ni Uno na tinuro ang sarili at nanlaki ang mga mata. "Pati ako? Pero hindi pa ako magaling sa magi—"

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon