[71] In Which They Set Out

570 58 48
                                    

EPISODE 71:
In Which They Set Out

Temple of the God of Knowledge and Sorcery
Apokryphos, Gnosia

Sa ibabaw ng isang malapad at matarik na bangin, ay nakatayo ang malaking templo ni Hekatias, ang sinaunang diyos ng mahika. Kahit na ang lumang syudad sa paanan ng bangin ay puro ruins na lang, ang templo ni Hekatias ay nanatili pa ring matatag at sa katunayan ay dinadausan pa nga ng mga importanteng pagtitipon, kagaya na lang ng Conseil des Mages.

Nakatayo si Lewis open corridors ng templo, habang nakahawak ang isang kamay sa higanteng collonade sa tabi niya. Nakatanaw siya sa malawak na ruins at sa animo'y disyerto na ngayong itsura ng dating pinakamakapangyarihang syudad sa mundo. Samantala, sa likuran naman niya ay dinig niya ang mga naglakad-lakad na mga delegado mula sa iba't-ibang bahagi ng mundo. Mga mages din na kagaya nila.

"Tsk! Bakit ba hindi ko makuha!"

Lumingon si Lewis kay Rivendyll, at bored itong tiningnan. Bored na may halong amusement. Nakaupo ito sa banister na parang bata, habang nagsusulat sa parchment. Kanina pa nito 'yon ginagawa. Focused na focused talaga ito sa pagsusulat. Gusto na nga niyang matawa rito, pero hindi na sila mga bata para mag-asaran, kaya naman itinago na lang niya ang ngiti. Muli na lang niyang itinuon ang atensyon sa ruins.

"Hoy. Manong Lewis, akala mo hindi kita napansin, ha?" tanong nito. "Anong tinatawa-tawa mo diyan?"

"Wala," aniya at umiling na lang. "Ano ba kasing ginagawa mo diyan? Para kang nasa bahay lang diyan sa pag-upo mo sa banister. Tapos kung maka-sermon ka kay Lotte dahil hindi siya sanay kumilos ng pormal, ikaw pa 'tong walang etiquette paglabas ng bahay."

Inis na tumingala si Rivendyll. "Wala namang tao, o. Hindi ko kailangan na magpanggap na isang noble dahil hindi na rin naman tayo noble." Yumuko ito ulit at nagpatuloy sa pagsusulat sa parchment. "Isa pa, 'wag mo ngang banggitin ang pangalan ng manang na 'yan sa akin. Naiinis pa rin ako sa kanya hanggang ngayon."

Kunot-noong napatingin si Lewis sa kapatid. "Bakit? Ano bang ginawa sa'yo ni Lotte?"

"Ilang linggo na tayo dito, hindi man lang niya tayo kinamusta?" sabi ni Rivendyll na parang nagtatampo.

"Paano naman niya tayo makakamusta kung wala siyang paraan para mag-teleport dito?" sabi ni Lewis.

"Bago tayo umalis, iniwan ko sa kanya 'yong magic parchment para magawa niyang makapadala sa atin ng mensahe dito. Pero ilang linggo na tayo dito at wala pa rin siyang paramdam," nagmamaktol na sabi nito. "Tsk. Siguro masaya siya na wala ako doon."

Matamang tiningnan ni Lewis ang kapatid, saka may kinuha sa bag na isang rolyo ng papel at hinagis ito sa kapatid.

"'Yan ba ang tinutukoy mo?" aniya.

Napanganga naman ito nang tingnan ang rolyo ng parchment sa kamay nito. "Bakit ito nandito?" gulat na sabi nito.

"Tingin ko—tingin ko lang ha. Nakalimutan mong ibigay 'yan sa kanya at nasali mo sa mga gamit natin," sabi ni Lewis na may kasamang ngiti.

"Ano? Pero hinanda ko na 'to bago tayo umalis, ah?" sabi ni Rivendyll. "Ibibigay ko sana ito sa kanya bago tayo umalis."

"Ah. Baka naman nahiya ka na ibigay sa kanya, hanggang sa nakalimutan mo na lang?" tukso ni Lewis.

Sinamaan siya nito ng tingin. "Bakit naman ako mahihiya na ibigay 'yan sa kanya? Sino ba siya para mahiya ako?"

"Crush mo," tukso niya ulit.

"Anong sabi mo?" sabi nito na parang nainis. "Ulitin mo 'yong sinabi mo, Marc Lewis."

"Uulitin ko talaga? Gusto mo talaga marinig ulit?" aniya na hindi na talaga natago ang tawa.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon